Search This Blog

17.7.10

Mga Tanong Na Di Pwede - At Mga Dahilan Kung Bakit

Lesson #1: Gamitin ang "common sense". Huwag na huwag itatanong ito:

OKAY KA LANG BA?

Case #1.1: Assume na OK nga cyah. Iisipin nun: Baket ako kelangan tanungin ng istorbong ito kung OK ba ako? Mukha ba akong hindi OK? May nakita ba cyah na nagbigay sa kanya ng dahilan para isiping hindi ako OK? Baket hindi muna niya tanungin ang sarili nya kung OK ba cyah bago nya tanungin ang iba? Ahh! Ibabalik ko ang tanong sa kanya ^_^

Case #1.2: Assume hindi cyah OK. May dalawang posibleng mangyari pagkatapos mong magtanong:

Subcase #1.2.A: Magkukunwari siyang "OK lang ako noh". Kung siya yung tipo ng tao na mahaba ang pisi, kahit anong pangungulet mo, hindi nya sasabihin ang totoo. Pero kung siya yung tipo ng tao na iritable, wag ka nang mangulet kse baka mag-away lang kayo ^_^.

Subcase #1.2.B: Sasabihin nya ang totoo. "Eto, problemado na naman ako." After nito, dalawang bagay: Kung WILLING at ABLE ka namang tumulong (take note, dapat isipin mo rin na hindi lang pera ang nagiging problema ng mga kaibigan mo -- maaaring kulang lang talaga sila sa tatlong P - Pagmamahal, Pamamasyal or Pansin ^_^), pwede mong isunod ang tanong na ito: "Baket ka problemado? Maaari mo bang sabihin saken?" Kung hindi ka WILLING at ABLE (o kaya nama'y hindi ka 100% sure), wag na wag kang umoo sa kasunod na tanong: "Baket, matutulungan mo ba ako?" Kasi, ang taong nangangailangan, pag hindi napagbigyan, minsan sila pa ang sumasama ang loob, nagtatampo or even nagagalet. "Pinaasa mo lang ako ^^" :: "Ang damot mo naman! Ganyan ka naman palagi ehh ^^" :: "So isinusumbat mo na yun ngayon? Thank you na lang... ^^"

Case #1.3: (Eto matatawa kayo dito) Pag obvious na obvious na HINDI cyah OK, wag mo nang itanong! Kasi mabubulyawan ka lang nya (lalo na pag mainit na ulo nya) - "Obvious naman na hindi nga ako OK, magtatanong ka pa?!" (ina-assume kse nya na since hindi ka naman bulag, at maayos naman ang iyong pag-iisip, at pareho naman kayong nakapag-aral (:-P), since nakita mo naman OBVIOUSLY na hindi cyah OK, mas gugustuhin pa nya na iba na lang ang itanong mo ^^), at cyempre, ikaw na nasigawan (by Filipino cultural tendencies) ay makikipagsigawan din.

Suggestion #1: Palitan ang tanong na "Okay ka lang ba?" ng "Hi [person's name]. Kamusta ka na?"


Lesson #2: Magtanong-tanong ka sa mga kaibigan nya (yung mga dapat mong malaman tungkol sa kanya), tapos pakiramdaman mo mga kinikilos nya pag magkasama kayo -- yung kayong dalawa lang ^^. Pero wag na wag mong itatanong ito:

MAHAL MO RIN BA AKO?

Itong tanong na ito actually ay dalawa na ang sinabi mo: Una, mahal mo cyah. Pangalawa, umaasa ka na mamahalin ka rin nya. Heto ang mga posibleng sagot at mga dahilan kung baket hindi dapat yan ang itinanong mo:

Case #2.1: Pag ang sagot nya ay: "Mahal ko yung BF ko ehh. Ayoko cyang saktan". May barkada ako na bolero, sabi nya, ang sabihin daw pagtapos nito ehh: "Hindi naman ako nagseselos ehh ^^" Hahaha... doesn't work all the time :-D

Case #2.2: Pag ang sagot nya ay tanong na: "Ngek, nanliligaw ka na ba?" Nakupow, kabahan ka na... ibig sabihin, hindi nya napapansin yung pagtatangi mo sa kanya at hindi nya nararamdaman yung nararamdaman mo... the feeling is not mutual, kumbaga... at malamang, may kino-consider na cyang iba... o baka naman sadyang hindi kayo para sa isa't isa... dahil IBA ang gusto nya... :-D

Case #2.3: Eto ang malupet na sagot: "In your dreams" (variant nito ay: "I never said, that I love you ^^) May apat itong maaaring ibig ipahiwatig tungkol sa girl: (A) Nagpapakipot lang cyah, ayaw nya namang sabihin mo na easy-to-get cyah ^^, (B) Hindi ka pumasa sa standards nya (kelangan daw may certification ka muna ^^), (C) Nakarinig cyah ng isang napakapanget na tsismis tungkol sayo (you know girl talk, they add up and then multiply, minsan nag-e-exponentiate pa ^^) or (D) Napakabilis naman daw kse ng mga pangyayari. "Love takes time" ^_^.

Case #2.4: Eto ang pinakamatindi (at pathetic): Pag girl ang nagtanong nito sa guy. It's either napaka-desperada na nya OR patay na patay talaga cyah sa guy. Cyempre yung guy lalaki ang ulo, eventually hawak nya na sa leeg yung girl (yes indeed, this last statement is double-meaning ^^). In the end, I can say LOSE-LOSE situation cyah -- kse although walang nawala sa guy, hindi made-develop ang EQ nya sa ganung klaseng sitwasyon/relationship... saka por diyos por santo, I think sobrang baba din ng EQ ng girl pag nagkaganito na. (Notice na wala tayo masasabi tungkol sa IQ nung dalawa -- kse minsan, kung sino pa ang goodlooking cyah pa ang mahina ang IQ... meron din namang mataas na ang IQ, mataas din ang EQ, tapos wafu pa! @ehem - kidding@)

Suggestion #2: First, ask three questions na sure kang YES ang isasagot nya. Tapos yung 4th question mo, mabilis na follow-up sa 3rd question: "WILL YOU MARRY ME?" @astig di ba :-P@ Again, ang assumption dito: Mahal mo talaga siya, at sure ka na mahal ka rin niya... ang hindi mo lang talaga sure, kung handa na cyang umoo dyan sa tanong na yan... sa pamamagitan ng tanong na yan, mari-reveal sayo ang true feelings and intentions ng mahal mo (assuming TUNAY na babae cyah at TUNAY na lalake ka ^^):

A. Ang marriage proposal ay pagpapakita ng sinseridad mo sa iyong minamahal.
B. Hindi ito basta-basta sinasabi. Hindi pwedeng dugtungan ang tanong na yan ng disclaimer na "I AM SERIOUS" or "THIS IS NOT A JOKE". It is obvious why. If it is still not obvious to you, think again and ask yourself the question: "Pag tinanong ko siya nito, tapos umoo cyah, pwede ko bang bawiin yung tanong ko? ^^"
C. True gentlemen only get to say this once, while, on the other hand, gorgeous ladies get to hear this many times :-D.
D. Ladies classify guys into three groups: (a) yung mga nagmamadali, (b) yung marunong maghintay basta may aasahan, at (c) yung matiyagang naghihintay nang walang pag-aalinlangan.
E. The early birds get the early worms -- hence, the problem of population explosion (anorawdaw? :-P)
F. Lastly: Walang matigas na tinapay sa mainit na tsokolate ^^ (Masama po ang kape sa mga night shifters :-P)

P.S. Parang ang layo ng Suggestion #2 ko sa Case #2 noh? In other words, in my opinion, hindi na dapat itinatanong yun - mas maganda kung kusang nararamdaman, lalo na kung kusang naririnig or sinasabi. @amf, ang tagal ng Pebrero noh ^^@

Lesson #3: Eto ang mga common English bloopers sa emails and even while on the phone:

#3.A: Over phone: "Come again?" - should be "I beg your pardon?"
#3.B: Over email: "Please advice." - should be "Please advise." (i.e. advice is a noun, advise is a verb)
#3.C: Over phone: "I don't know..." - should be "I do not have that information with me right now. May I have your full name and contact details? I'll try to get hold of the information that you require and will get back to you with an update within [>= ET - Expected Time] minutes [>= 1 hour might already be unacceptable]."
#3.D: Over email: "I have already [done this and this]... now." - "I have [done this and this]... ["when" is optionally stated, unless required otherwise.]" would suffice
Post a Comment