Search This Blog

15.7.10

Ang Katotohanan - 07/15/2010

Mahirap magkunwaring hindi sinungaling, kasi anytime pwede kang mabuko. At pag nangyari pa naman yun, yung tipong iisipin ng nagsinungaling na baka hindi na siya muling kausapin ng pinagsinungalingan niya, o di kaya naman'y isipin ng pinagsinungalingan na mabuti nang nalaman niya mismo ang katotohanan mula sa nagsinungaling kesa sa iba.

Mas kakayanin ko pang tanggapin ang mapait na katotohanan, kung manggagaling mismo sayo -- kesa malaman ko sa iba na, all the while, ang lahat pala ng ipinakita mo'y balatkayo. Kaya eto lang ang masasabi ko sayo (at maski sa aking sarili): Katotohanan lamang ang makakapagpalaya sa atin. Hindi puwedeng maging totoo ang huwad, at lalong hindi puwedeng maging huwad ang totoo.

Kung nagkulang man ako, sana ngayon ay ako naman ang maintindihan mo. Kasi hindi nagtugma ang mga sinabi mo sa mga nalaman ko. :-(
Post a Comment